Power of the day!
Tanungin kita? Kung papipiliin kita sa gusto mong makasama alin sa dalawang ito.. Yung taong mahilig gumawa ng dahilan or yung taong mahilig gumawa ng paraan? Well, Sigurado ako na yong may paraan kaysa sa mahilig mag reklamo diba? Sa network marketing business kaibigan madami talagang challenges na kelangan lagpasan at ang poblema ay automatic na kasama na dyan. Yon nga lang, ano nga ba ang attitude na makatulong para malagpasan at masolusyunan ang mga poblema na nandyan na at darating pa? Ang pag rereklamo nga ba or pag gawa ng paraan? Kung ikaw ang tipo ng tao or member na reklamo ng reklamo wala sayong sasama kaibigan, lalayuan ka ng mga ka team members mo. Bakit? Ayaw kasi nila mahawa sayo. Dapat ang Attitude na to at talaga mawala sayo. Bakit? Wag ka nang umaasa na magiging successful kung sa simple bagay na gagawin mo ay REKLAMO na agad ang nasa isip mo. Usually ang mga members or tao na kilala ko na reklamo ng reklamo ilang weeks or months lang wala na sila sa business. Alam mo naman siguro ang dahilan, kasi mas inuubos pa nila ang Oras nila sa pag rereklamo sa mga bagay2x kesa na gawin ang negosyo or humataw. Sa business natin kasi, kapag wala kang ginagawa or bilang ka lang ng bilang ng mga nagawa mo na, automatic mag rereklamo kasi bakit ginawa mo na pero wala pa din nangyari. Sa business natin never counts your effort. at wag na wag mong titingan ang present situation mo kasi mag rereklamo ka lang talaga kaya nga sumali sa network marketing business ay para mabago mo ang future mo di ba? Hindi ang present, kasi ang present ang naging dahilan para makaisip or gumawa ka ng paraan para baguhin ang buhay mo. Total nasa network marketing ka naman na dapat always think of the future. Ano ba ang pwedeng mangyari once na naging successful kana? An ba ang naghihintay sa future kapag nag tuloy2x ka lang at gumawa ng mga paraan para mangyari sya instead or mag reklamo. Simple lang naman ang formula. Positive Thinking + Positive Action = Positive Result.
No comments:
Post a Comment